Pagsusuring Pampanitikan
Kalupi ni Benjamin Pascual
I. Panimula
>Ang kalupi ay bunga ng guni-guni ni Benjamin Pascual. Na nagpapakita ng realidad na may ganon talagang pangyayari na pwedeng mangyari kanino man sa totoong buhay.
>Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.sa makatuwid sya ay isang Ilokano. Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.
II. Pagsusuri sa nilalaman
A. Paksa- naka sentro ang kwento sa isang Aleng mapanghusga na pinagkamalan ang isang inosenteng at kawawang bata na nagnakaw ng kanyang kalupi o pitaka.
B. Simbolismo
1. Simbolismo ng mga Bagay
• Kalupi- Ang isinisimbolo Kalupi ay ang mga magkaibang stado ng mag tao sa lipunan.
• Maliit na barung-barong- sinisimbolo nito ang payak na pamumuhay ng mga pilipino.
2. Simbolismo ng mga Tauhan
Aling Marta- sinisimbolo niya ang isang mapanghusga, mapangabuso at walang pusong tao sa lipunan.
Inosenteng Bata/ Andres- literal niyang sinisimbolo ang mga inosenteng tao na nadadamay sa masasamang bagay na gawa ng ibang tao. At sinisimbolo din nya ang mga batang Malnurished.
Anak ni Aling Marta- sinisimbolo niya ang isang bagay na hinahangad ng marami, ayon na ring sa kwento, hinahangad ni Aling Marta ang kanyang pagtatapos sa High School.
Asawa ni Aling Marta-sinisombolo niya ang mga mabisyong tao sa lipunan, Mahilig manigarilyo.
C. Uri- ito ay isang realismong maikling kwento. Nagpapakita ito ng realidad na may mga bagay na hindi nabibigyang hustisya sa lipunan. At nagpapakita din ito na katotohanan na may mga tao talaga na kaya gumawa ng masama para sa sariling interes nito. Halimbawa: pagnanakaw.
D. Unibersal na katotohanan
> maraming namatay na sira ang buhay dahil sa maling akala. Kaya bago mangbintang siguraduhin munang ika’y may ebidensya.
III. Pagsusuring Pangkaisipan
A. Mga Pahiwatig at kahulugan nito.
1. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho e may sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt, kung minsan naman ho e sa mga tiyo ko sa Kiyapo at kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tondo – pinapahiwatig kung gano kahirap ang pamilya ni Andres at walang kaya sa buhay.
B. Mga Aral at Implikasyon.
1. Huwag na huwag manghusga ng kapwa ng dahil sa pisikal na anyo. Tandaan ang panghuhusga ay hindi mabuti at nakakabuti.
C. Kalakasan ng pagsulat
Mahusay ang pagakakasulat ng kwento dahil nagpapakita ng realidad. Maganda ang casting ng kwento lalong-lalo na ang mga bida sa kweto sina Andres at Aling Marta . Higit pa dyan may makukuha ka pang aral sa kwento.
:D
TumugonBurahinNeverquest : Titanium Edition Edition - TITanium
TumugonBurahinThe world's best-selling and titanium bars best-selling titanium nipple jewelry TITAN EDITION titanium flash mica is now on ecm titanium sale ford edge titanium for sale in the United States of America.